Ang Relihiyong Islam: Paniniwala at Pananampalataya
Ma gandang araw! Ako po ay isang mag-aaral na muslim at nais kong magbahagi ng aking kaalaman at karanasan ukol sa aking relihiyon, paniniwala, pananampalatayang Islam at kung paano ito naiuugnay sa hangaring kapayapaan. Ang relihiyong Islam ay isang uri ng relihiyong monoteismo na nangangahulugang “pananampalataya sa isang Diyos.” Ang Islam ay nagmula sa salitang Arabic na Salam, na ang ibig sabihin ay “kapayapaan” sa pamamagitan ng pagsuko sa kagustuhan ng Diyos na si Allah. Si Muhammad (S.A.W) ang huli at banal na sugo ni Allah na siyang nagtaguyod at nagpalaganap ng aming relihiyon. At ang Qur’an naman ang aming banal na aklat. Katulad rin ng Qur’an, ang Sunnah ng aming Propetang Muhammad ang batayan ng mga aral na itinuturo sa amin. Una , ang pagsamba at pagtitiwala kay Allah ang pangunahing pananampalataya naming mga Muslim tungo sa Kapayapaan. Para sa amin, kung iyong ipagkakaloob ang iyong tiwala at pananalig kay Allah ay tiyak na unti-unti mong makakamit ang kapaya...