Ang Relihiyong Islam: Paniniwala at Pananampalataya
Magandang araw! Ako po ay isang mag-aaral na muslim at nais kong magbahagi ng aking kaalaman at karanasan ukol sa aking relihiyon, paniniwala, pananampalatayang Islam at kung paano ito naiuugnay sa hangaring kapayapaan.
Ang relihiyong Islam ay isang uri ng relihiyong monoteismo na nangangahulugang “pananampalataya sa isang Diyos.” Ang Islam ay nagmula sa salitang Arabic na Salam, na ang ibig sabihin ay “kapayapaan” sa pamamagitan ng pagsuko sa kagustuhan ng Diyos na si Allah.
Si Muhammad (S.A.W) ang huli at banal na sugo ni Allah na siyang nagtaguyod at nagpalaganap ng aming relihiyon.
At ang Qur’an naman ang aming banal na aklat.
Katulad rin ng Qur’an, ang Sunnah ng aming Propetang Muhammad ang batayan ng mga aral na itinuturo sa amin.
Una, ang pagsamba at pagtitiwala kay Allah ang pangunahing pananampalataya naming mga Muslim tungo sa Kapayapaan. Para sa amin, kung iyong ipagkakaloob ang iyong tiwala at pananalig kay Allah ay tiyak na unti-unti mong makakamit ang kapayapaan sa iyong sarili, maging ang kapayapaan para sa lahat.
Pangalawa, pinaniniwalaan naming mga muslim na lahat ng tao sa mundo ay ipinanganak na muslim at ipinanganak na Islam ang relihiyon ngunit naiiba lang ito o nagbabago ito depende sa kung ano ang itinuturo ng magulang nito sa kanyang paglaki at pagkakaroon ng kamalayan.
Pangatlo,
para sa amin, lahat ng mabubuting asal at gawain na aming nagagawa ay patunay
na pagsamba kay Allah kung ito ay naaayon sa kanyang kagustuhan at utos na siya
rin namang aming pinaniniwalaan na makabubuti sa amin at sa ibang tao. Ang
anumang kabutihang asal, maliit man o malaki na naidudulot namin sa iba at sa
lipunan ay labis na matimbang pagdating sa kabilang buhay. Bawat relihiyon ay
pare-pareho sa layunin na maitaguyod ang kapayaaan sa mundo, ngunit iba-iba lang
tayo ng paraan kung paano ito nakakamit.
Comments
Post a Comment